"summertime, summertime"
grabe...tagal ko n rn plang hindi naglalabas ng saloobin gamit ang blog aa...daming topic n ndi ko naiblog...haiszt!!
ang hirap pla pag summer before college tpus wala kang pera...gusto mong lasapin lahat ng alam mong mamimiss mo pag ndi nasa kolehiyo k n pero hindi mo magawa...
gusto ko magdota- "ay, wala akong pera"
gusto ko mag-mall- "ay, wala akong pera"
gusto ko magtxt-"ay, wala akong load"
grabe talaga...ngayon alam ko n kahalagahan ng pag-iipon ng baon...
anyway, ngaung summer mei isa pang nkaiinis n bagay ngaung summer...
pag nanuod k ng tv, ang mga sumusunod ang karaniwang makikita mo...
- mukha ni pacquiao (maayos)
- mukha ni pacquiao (ngarag ng suntok)
- mukha ng kalaban ni pacquaio (mas ngarag, para maipakita ang dominance ni pacquiao)
- mukha ni ted failon
- bangkay ng asawa ni ted failon
- mga pulis n galit kay ted failon
- kaplastikan ni mar roxas
- kalokohan ng gobyerno
- mga taong walang ginagawa para umunlad kaya't sinisisi ang gobyerno
- mga baklang "nagpapatawa" sa pamamagitan ng panlalait sa iba
- mga nkaluwang boobs ng mga babaeng nagpapaseksi n lng para pag-usapan ng madla
- mukha mg mga artistang ndi nmn marunong umarte pero sobrang sikat dahil gwapo o maganda o kaya'y malaki ang boobs
- video ng kantang "love story" ni taylor swift
- mga nilalang ng karagatan n nagsasalitang parang tao
- mga game show na kinuha ang concept mula sa mga banyaga
- mga walang kamatayng asianovelas o kaya'y mga pinoy versions nito
anung pahiwatig ng mga ito tungkol s patutunguhan ng bansa ntin?
- magnanumber one c ted failon kung sakaling tatakbo xa bilang senador s 2010 election
- may isanlibo o mahigit pang magpapauto sa komersyal ni mar roxas at iboboto xa sa eleksyon. dadami pa ang mga gago kung magpapakasal sila ni korina sa february.
- hindi p rin matitigil ang sisihan sa pagitan ng masa at ng gobyerno. matitigil lng ito kung masusunog ang buong pilipinas at ilalock ang mga buwaya sa kongreso at s malacanang habang may session sila o kaya'y mamamatay ang lahat ng pilipino dahil s mass starvation.
- kung gusto mong maging nakakatawa, dapat ay bakla ka. no offense pero grabe, dominated n talaga ng mga bading ang industriya ng komedya. hindi man cla ang nasa itaas, karamihan nmn ng nasa ibaba ay kalahi nila. bihira ng makapanuod ng babaeng komedyante at ung isa pang sikat, isa lng ang brand of comedy (db ruffa mae?) anyway, buti n lng may "whose line is it anyway?" sa star world..nkakanuod p ko ng meaningful n comedy.
- maxado n taung nkapokus sa panlabas n anyo ng tao. s showbiz ngaun, kung hindi k maganda o gwapo, hindi k sisikat (unless talentado k talaga at matiyaga). buti p c susan boyle n kahit ganun ang itsura ay lubos ang papuri nila s kanya. pakantahin mo un dito, lalaitin lng mukha niya. kaya hindi sumikat ung nanalo ng philippine idol n c mau marcelo kahit magling xa e, maxado kc xang mataba kaya nasasabing "unmarketable" xa. ndi naappreciate ang mga totoong talentado s musika e. mas gusto nten ung magaganda at gwapo ang kumakanta kesa sa kanila. kaya ang kalalabasan, ung mga sikat na artista n lng ang pinapagawa ng album. pinag-rerevive n lng cla ng mga sikat n kanta dati para ndi pancnin n ndi cla marunong kumanta. o kaya todo remix para maging kaboses nila ung mga kagaya nina susan boyle at mau marcelo. isa lng ang masasabi kong magaling talaga at may itsurang ihaharap, c sarah geronimo.
- patay na ang originality sa telebisyon. kung pwede nga lng e foreign shows n lng ang ipalabas sa local channels at isingit n lng sa lineup nila ung wowowee, eat bulaga, at mag flash report n lng every now and then.
peace!
P.S. iwanna share this video (para sa mga taong walang cable o kaya'y ndi fan ng kamikazee)
credits to Universal Records para s video at sa Myx para sa pagpopost nito s youtube
0 comments:
Post a Comment