THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, April 28, 2008

DOTA is love (adapted from a post by ian cubed on friendster)

Ang tunay na intensyon ko nung gawin ko ang blog na ito ay ipakita sa lahat kung saan umiikot ang buhay ko, at ang dalawang bagay na hindi ko maikakailang kinaaadikan ko ay ang dota at pag-ibig. kaya sa post na ito, pag-uugnayin ang dalawang bagay na iyon. (kung ndi kau makarelate, magresearch kau o kaya sunugin niu n lng ang computer na nasa harapan mu)

DOTA is love:

c Enchantress k b?
-habang lumalayo ako sau, mas masakit..
c Doom k b?
-pag-anjan ka, mainit paligid ko..
c Silencer k b?
-kpg anjan ka, natatahimik ako..
c Beastmaster k b?
-maalaga ka kc..
c slardar k b?
-kc ms lumalakas tama ko sau..
c darkterror k b?
-ikaw lng gumagalaw sa mundo ko..
c razor k b?
- nakukuryente kc puso q sau..
c nerubian weaver k b?
-naghahabol aq lagi sau..
c omniknight k b?
-ikaw ang aking Guardian Angel..
bka naman CREEP k?
-lagi kasi kitang kasama..
hmm..
c phantom lancer b?
-cnong pipiliin ko sa inyo?
c techies b?
-suicide na ako kapag ala ka..
c leoric b?
-binubuhay mo ulit ako..
c crystal maiden b?
-kinikilig aq pag ksma k..
c pudge b?
-nahuli mo kc puso q..
c mirana b?
-dahil sau, napapatalon ako sa saya..
Frozen Throne o World Tree k b??
-kapag wala ka na, wala ng dahilan pa
†para lumaban pa..܆

di ba aus? marami na akong nakitang nag-break dahil sa dota. naisip ko tuloy na hindi pwedeng pagsabayin ang dalwang bagay na iyon. Pero ng mabasa ko ang post na iyan ni ian cubed, naliwanagan ako. pwde palang gumawa ng pick-up line na based sa dota. pero warning lng, 0.000000000000001% lng ang chance ng success kasi malamang hindi maka-relate sau ung kausap mu at bka sapakin k p nia sa mukha. pero kung naglalaro nmn ung sasabihan mu nian, mababawasan lng ng isang zero ung chance kasi...kasi....kasi...wala lng. hindi ko maisip kung bakit e...

at dito na nagtatapos ang isa na namang walang kwentang post mula kay cedric vergel aka great pontakun o pwede ring pugitang pinison. kahit ano wag lang pedrong kuto.

this is the resident ungas...signing off!!!


Sunday, April 20, 2008

Kababaihan

hindi natin mapagkakaila na pinakamalaking bahagi ng buhay ng isang lalake ang mga babaeng nagdadaan sa buhay niya. mga babaeng kanyang minahal, minamahal at mamahalin. Kaya ngayon, ito ang nais kong pagtuunan ng pansin sa post na ito, yung mga babaeng nagpasaya sa akin maliban sa nanay ko.

Una sa listahan ay isang babaeng itatago natin sa pangalang "Krema de Fruta" o KdF para cute. Mukha siyang bata sa itsura at kilos, hanggang ngayon, pero hindi ko alam kung bakit nung una ko siyang makita, binulungan ako ng puso ko ng "tangina, maganda di ba? pormahan mu na!". nung una hanggang sa dulo, torpe ako. kaya wala maxadong nangyare. minsan lang kami nag-uusap ni KdF at kadalasan pang napag-uusapan ay walang kwenta. ay mali pala ako, marami rin palang nangyare kasi 2 years akong pumorma (?) sa kanya. at maxadong mahaba ang two years para ikwento. ang kanta ko sa kanya ay iyong alipin ng shamrock. nung huli, nainlove si KdF sa isang SK kagawad kaya wala na, ayawan na.

isa pa sa mga babaeng dumaan sa buhay ko ay si "Yasmien kurdi." iyan ang ninckname niya xe si yasmien ang gumanap sa isang karakter sa tv na kapangalan ng babaeng ito. mahilig xhang magtxt at xha ang rason kung bakit ako naadik sa txt ulet. xha rin ang tanging naisayaw ko nung prom nmen (giveaway clue na ean). natapos ang istorya nung sinabi niya na ayaw nia.

isa pa ay si "walking mall" actually, crush n crush ko lang siya. walang nagyare sa pagitan nmen. crush ko lang talaga xha. gaya nina "a frog's ex" at nung bestfriend ni "yasmien kurdi".

last but not the least ay si "iron teeth" o IT para cute ule. wala ding maxadong nangyare smen pero grabe hanggang ngaun lakas-tama pa rin ako sa kanya. una ko xhang nakilala sa jeep nung nkisabay ako sa mga palaka at kulot. kapatid xha nung ihahatid ni kulot (giveaway clue n nmn) at hindi naiwasang inasar ako nung palaka sa kanya. nung una hindi ko lang pinapansin pero nung tumingi nako sa kanya, sumigaw ako sa loob ko. "Syeeeeeeht!! maganda pala xha sa malapitan" bago ang engkwentrong ito ay sa mga cheering competition ko lang siya nakikita. hindi ako nagagandahan sa kanya sa malayuan pero pag nilapit mu ung mukha mu sa mukha niya, magpu-poof si kupido sa likuran mo at ibabackstab ka ng pana niya. siya ang talagang rason kung bakit ako naadik sa txt, khet madaling-araw na at mei pasok kinabukasan, magpupuyat ako makatxt lng si IT.

natapos ang istorya nung nalaman kong aalis na ng pinas si IT. hindi man lang ako nagkaroon ng tsansang ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya. isa ata ito sa mga pinakamalaking kagaguhan na nangyare sken. at ngayong wala na siya sa pinas, s YM ko n lng nakakausap si IT. pero hindi ko pa rin cnasbe s kanya na mahal n mahal ko siya. kaya kung sakaling mabasa mo ito at kung alam mo n ikaw ito, wala lng. wala nmng mababago itong post na ito kasi alam kong wala kang oras sa mga epal.

aun. mejo seryoso na ata post ko ngayon. sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng isa n nmng Pulitser Prize winning article na binuo gamit ang keyboard ng computer $ ng 12/28 computer shop.

at ngayon,... "Babu na ang DA HUUUUUUUUUUUU!!!!"

now playing..(pagaya angel)
you got game from prince of tennins anime
houki boshi fron bleach anime
brainstorm by beck
kite by prior of zion (band ean ni sir lupos, ung ST ng mapeh nung second year)

Tuesday, April 15, 2008

Kaibigan

Sa wakas nakasama ko din ang mga kaibigan ko. Isang linggo din kaming hindi nagkita ng mga ungas na ito. Masaya. Nandoon pa rin ang asaran sa dota. Masaya. Bigla kong naisip....

Paano kaya kung walang magkakaibigan? May tao pa kayang matino ang pag-iisip? May makakangiti pa kaya? Mabubuo kaya ang mga pag-iibigan na nagbibigay-buhay sa isa pang bagong nilalang? Wala na siguro. Wala ng kwenta ang mundo.

Pero ano nga ba ang kaibigan? Ito ba iyong taong lagi kang nililibre ng fishball pag dumadating iyong manong na masarap gumawa ng sauce? Ito ba iyong taong tumatapik sa sa likod mo kapag umiiyak ka? (pwede ring hinihimas-himas pero you get the point nmn d ba?) O yung mga ungas na lagi mung kasama sa break, lunch break, coffee break at CR break at kadalasa'y umaabot sa cutting classes ang pagbebreak niyo? Para sa akin, utak na natin ang bahala kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kaibigan para sa atin. At ang kaibigan para sa akin ay iyong mga taong kaya kang pangitiin sa tuwing kasama mo sila, at hindi komedyante ang tinutukoy ko. Iyong tipong mei halong dep feeling iyong ngiti na nasa labi mo.

Gaano kahalaga ang kaibigan? Magbibigay ako ng mga halimbawa. Tatawa ka ba kay spongebob kung hindi niya kasama sa Patrick? Sisikat ba si Batman kung wala si Robin? Matatalo ba ng Teen Titans si Slade kung hindi sila united? Makakapasok ba ang Shohoku sa Inter-High kung hindi sila magkakaibigan na nagtitiwala sa isa't-isa? At higit sa lahat, masaya ba ang break, lunch break, coffee break at CR break at kadalasa'y umaabot sa cutting classes kung mag-isa ka lang? Hindi diba?

May mga tinuturing pa rin akong kaibigan kahit hindi ko alam kung naaalala pa nila ako. May mga tinuturing din akong kaibigan kahit na hindi nila ako tinuturing na kaibigan. may mga tinuturing ako na kabigan kahit hindi nila ako kilala(metaphor yan).

Aun. Isa na namang walang kwentang post mula sa isang walang kwentang tao na walang magawa sa buhay. Sana na-enjoy niyo kahit paano ang mga random thoughts na pumasok sa isip ko.

Backstory pala muna bago ko tapusin ito. Bago ko itype to, kalahating oras bago ko mapasok iyong account ko. Kasi naman e, pinipilit ko pa rin iyung password ko na six characters lang e db eight characters dapat ang password sa blogger? Isa iyan sa signs of aging. Naexperience ko iyan nung nag-fifteen years old ako...hahahahaha...

aun..e2 na tapus na talaga. This is the resident ungas, signing off!!!! mehehe....

Wednesday, April 9, 2008

The Birth of a Pulitzer Prize Winning Internet Post

Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako inaantok. nasa tapat pa rin ng computer ang mga mata ko kahit wala naman akong ginagawa. Tinanong ko ang sarili ko, "Ano ba ang pwedeng gawin?"

Maglalaro ba ako ng isang larong pambata na dalawang taon ko ng nilalaro pero hindi ko pa rin natatapos? Titingnan ko ba ang mga litrato ng kursunada kong babae na nakalantad sa friendster? O gagawin ko ba ang laging ginagawa ng kapatid ko sa tuwing nagbubukas siya ng computer sa madaling araw at tulog na kaming lahat?

Bigla kong nabasa ang offlinemessage ng isang kaibigan sa Yahoo Messenger. "Check out my blog," iyon ang nakasulat doon. Biglang may lumabas na lightbulb sa ulo ko at umapaw ang inspirasyon sa utak ko. Gagawa na rin ako ng blog. "Masaya 'to," bulong ko sa sarili ko.

Ang WEB LOG o BLOG na tinatawag ng karamihan ay isang magandang paraan ng pagpapaalam ng iyong mga opinyon at karanasan sa mga tao sa mundong ibabaw. Maaari ka ritong mag-post ng iyong mga larawan, artikulo, at marami pang iba upang maipamahagi sa mundo ang laman ng iyong isipan. Maaari ka ring kumita dito kung nanaisin mo at ng namamahala sa blog mo. Astig, hindi ba? Para ka lng sumusulat ng diary. Ang kaibahan lang, sa internet na at lantad na sa mga tao kahit hindi mo sila kilala ang mga nangyayari sa iyo. Parang "open diary" sabi nga ng kapatid ko.

At iyon na nga, nagsimula na akong gumawa ng blog. Dahil nabobobo na ako sa mga bagay-bagay, mahigit isang oras bago ako nakapagsign-up sa website na ito. Masyado ko kasing pinipilit na "******" ang password ko. Ang tagal bago ko napansin na eight characters pala dapat. Tapos hirap pa akong intindihin ung security code na pag tiningnan mo ay mukhang ginawa ng isang batang first timer sa paghawak ng paint brush. Pero ayos lang, naintindihan ko rin naman makalipas ang ilang minuto (naglalaro kasi ako ng mga larong pambata kaya medyo tumagal). "Woohoo!!! Next step na ako" pabulong akong sumigaw sa loob-loob ko.

Nilagyan ko na ng title at URL itong blog na ito. Bulate iyong kalaban ko sa nilalaro ko at hirap na hirap ako kaya ko naisip iyong "kumagnabulate" bilang parte ng URL ko. Medyo madali ang second step kaya masaya ako. Wahahaha!!!

Design naman ang kailangan sa last step. Since favorite ko ang pink, iyon na lang ang ginawa kong temporary template. Babaguhin ko na lang pag natuto na akong mag-ayos ng blog. Ito ang pinakamadali sa lahat ng step kaya pagtapos nito, aapaw na ako sa kaligayahan dahil makapagsusulat na ako ng Pulitzer Prize Winning Article na maipapamahagi ko sa mundo ng libre. Astig, hindi ba?

At ito na, nag-iisip na ako ng maisusulat. Bigla kong naisip na alas-dose na at hindi pa rin ako inaantok. nasa tapat pa rin ng computer ang mga mata ko kahit wala naman akong ginagawa. Tinanong ko ang sarili ko, "Ano ba ang pwedeng gawin?" (wait lang, deja vu ba ito? parang umulit na. Shit wala talaga akong magawa. tama na nga muna. tsaka na ako magsusulat ng mas makabuluhang artikulo. Nagtext na iyong babaeng maganda na dinededma ako e)

WOOHOO!!! FIRST POST!!!!