THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, April 9, 2008

The Birth of a Pulitzer Prize Winning Internet Post

Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako inaantok. nasa tapat pa rin ng computer ang mga mata ko kahit wala naman akong ginagawa. Tinanong ko ang sarili ko, "Ano ba ang pwedeng gawin?"

Maglalaro ba ako ng isang larong pambata na dalawang taon ko ng nilalaro pero hindi ko pa rin natatapos? Titingnan ko ba ang mga litrato ng kursunada kong babae na nakalantad sa friendster? O gagawin ko ba ang laging ginagawa ng kapatid ko sa tuwing nagbubukas siya ng computer sa madaling araw at tulog na kaming lahat?

Bigla kong nabasa ang offlinemessage ng isang kaibigan sa Yahoo Messenger. "Check out my blog," iyon ang nakasulat doon. Biglang may lumabas na lightbulb sa ulo ko at umapaw ang inspirasyon sa utak ko. Gagawa na rin ako ng blog. "Masaya 'to," bulong ko sa sarili ko.

Ang WEB LOG o BLOG na tinatawag ng karamihan ay isang magandang paraan ng pagpapaalam ng iyong mga opinyon at karanasan sa mga tao sa mundong ibabaw. Maaari ka ritong mag-post ng iyong mga larawan, artikulo, at marami pang iba upang maipamahagi sa mundo ang laman ng iyong isipan. Maaari ka ring kumita dito kung nanaisin mo at ng namamahala sa blog mo. Astig, hindi ba? Para ka lng sumusulat ng diary. Ang kaibahan lang, sa internet na at lantad na sa mga tao kahit hindi mo sila kilala ang mga nangyayari sa iyo. Parang "open diary" sabi nga ng kapatid ko.

At iyon na nga, nagsimula na akong gumawa ng blog. Dahil nabobobo na ako sa mga bagay-bagay, mahigit isang oras bago ako nakapagsign-up sa website na ito. Masyado ko kasing pinipilit na "******" ang password ko. Ang tagal bago ko napansin na eight characters pala dapat. Tapos hirap pa akong intindihin ung security code na pag tiningnan mo ay mukhang ginawa ng isang batang first timer sa paghawak ng paint brush. Pero ayos lang, naintindihan ko rin naman makalipas ang ilang minuto (naglalaro kasi ako ng mga larong pambata kaya medyo tumagal). "Woohoo!!! Next step na ako" pabulong akong sumigaw sa loob-loob ko.

Nilagyan ko na ng title at URL itong blog na ito. Bulate iyong kalaban ko sa nilalaro ko at hirap na hirap ako kaya ko naisip iyong "kumagnabulate" bilang parte ng URL ko. Medyo madali ang second step kaya masaya ako. Wahahaha!!!

Design naman ang kailangan sa last step. Since favorite ko ang pink, iyon na lang ang ginawa kong temporary template. Babaguhin ko na lang pag natuto na akong mag-ayos ng blog. Ito ang pinakamadali sa lahat ng step kaya pagtapos nito, aapaw na ako sa kaligayahan dahil makapagsusulat na ako ng Pulitzer Prize Winning Article na maipapamahagi ko sa mundo ng libre. Astig, hindi ba?

At ito na, nag-iisip na ako ng maisusulat. Bigla kong naisip na alas-dose na at hindi pa rin ako inaantok. nasa tapat pa rin ng computer ang mga mata ko kahit wala naman akong ginagawa. Tinanong ko ang sarili ko, "Ano ba ang pwedeng gawin?" (wait lang, deja vu ba ito? parang umulit na. Shit wala talaga akong magawa. tama na nga muna. tsaka na ako magsusulat ng mas makabuluhang artikulo. Nagtext na iyong babaeng maganda na dinededma ako e)

WOOHOO!!! FIRST POST!!!!

0 comments: