hindi natin mapagkakaila na pinakamalaking bahagi ng buhay ng isang lalake ang mga babaeng nagdadaan sa buhay niya. mga babaeng kanyang minahal, minamahal at mamahalin. Kaya ngayon, ito ang nais kong pagtuunan ng pansin sa post na ito, yung mga babaeng nagpasaya sa akin maliban sa nanay ko.
Una sa listahan ay isang babaeng itatago natin sa pangalang "Krema de Fruta" o KdF para cute. Mukha siyang bata sa itsura at kilos, hanggang ngayon, pero hindi ko alam kung bakit nung una ko siyang makita, binulungan ako ng puso ko ng "tangina, maganda di ba? pormahan mu na!". nung una hanggang sa dulo, torpe ako. kaya wala maxadong nangyare. minsan lang kami nag-uusap ni KdF at kadalasan pang napag-uusapan ay walang kwenta. ay mali pala ako, marami rin palang nangyare kasi 2 years akong pumorma (?) sa kanya. at maxadong mahaba ang two years para ikwento. ang kanta ko sa kanya ay iyong alipin ng shamrock. nung huli, nainlove si KdF sa isang SK kagawad kaya wala na, ayawan na.
isa pa sa mga babaeng dumaan sa buhay ko ay si "Yasmien kurdi." iyan ang ninckname niya xe si yasmien ang gumanap sa isang karakter sa tv na kapangalan ng babaeng ito. mahilig xhang magtxt at xha ang rason kung bakit ako naadik sa txt ulet. xha rin ang tanging naisayaw ko nung prom nmen (giveaway clue na ean). natapos ang istorya nung sinabi niya na ayaw nia.
isa pa ay si "walking mall" actually, crush n crush ko lang siya. walang nagyare sa pagitan nmen. crush ko lang talaga xha. gaya nina "a frog's ex" at nung bestfriend ni "yasmien kurdi".
last but not the least ay si "iron teeth" o IT para cute ule. wala ding maxadong nangyare smen pero grabe hanggang ngaun lakas-tama pa rin ako sa kanya. una ko xhang nakilala sa jeep nung nkisabay ako sa mga palaka at kulot. kapatid xha nung ihahatid ni kulot (giveaway clue n nmn) at hindi naiwasang inasar ako nung palaka sa kanya. nung una hindi ko lang pinapansin pero nung tumingi nako sa kanya, sumigaw ako sa loob ko. "Syeeeeeeht!! maganda pala xha sa malapitan" bago ang engkwentrong ito ay sa mga cheering competition ko lang siya nakikita. hindi ako nagagandahan sa kanya sa malayuan pero pag nilapit mu ung mukha mu sa mukha niya, magpu-poof si kupido sa likuran mo at ibabackstab ka ng pana niya. siya ang talagang rason kung bakit ako naadik sa txt, khet madaling-araw na at mei pasok kinabukasan, magpupuyat ako makatxt lng si IT.
natapos ang istorya nung nalaman kong aalis na ng pinas si IT. hindi man lang ako nagkaroon ng tsansang ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya. isa ata ito sa mga pinakamalaking kagaguhan na nangyare sken. at ngayong wala na siya sa pinas, s YM ko n lng nakakausap si IT. pero hindi ko pa rin cnasbe s kanya na mahal n mahal ko siya. kaya kung sakaling mabasa mo ito at kung alam mo n ikaw ito, wala lng. wala nmng mababago itong post na ito kasi alam kong wala kang oras sa mga epal.
aun. mejo seryoso na ata post ko ngayon. sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng isa n nmng Pulitser Prize winning article na binuo gamit ang keyboard ng computer $ ng 12/28 computer shop.
at ngayon,... "Babu na ang DA HUUUUUUUUUUUU!!!!"
now playing..(pagaya angel)
you got game from prince of tennins anime
houki boshi fron bleach anime
brainstorm by beck
kite by prior of zion (band ean ni sir lupos, ung ST ng mapeh nung second year)
Sunday, April 20, 2008
Kababaihan
Posted by Cedric aka HyoSun at 1:05 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment