THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, April 15, 2008

Kaibigan

Sa wakas nakasama ko din ang mga kaibigan ko. Isang linggo din kaming hindi nagkita ng mga ungas na ito. Masaya. Nandoon pa rin ang asaran sa dota. Masaya. Bigla kong naisip....

Paano kaya kung walang magkakaibigan? May tao pa kayang matino ang pag-iisip? May makakangiti pa kaya? Mabubuo kaya ang mga pag-iibigan na nagbibigay-buhay sa isa pang bagong nilalang? Wala na siguro. Wala ng kwenta ang mundo.

Pero ano nga ba ang kaibigan? Ito ba iyong taong lagi kang nililibre ng fishball pag dumadating iyong manong na masarap gumawa ng sauce? Ito ba iyong taong tumatapik sa sa likod mo kapag umiiyak ka? (pwede ring hinihimas-himas pero you get the point nmn d ba?) O yung mga ungas na lagi mung kasama sa break, lunch break, coffee break at CR break at kadalasa'y umaabot sa cutting classes ang pagbebreak niyo? Para sa akin, utak na natin ang bahala kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kaibigan para sa atin. At ang kaibigan para sa akin ay iyong mga taong kaya kang pangitiin sa tuwing kasama mo sila, at hindi komedyante ang tinutukoy ko. Iyong tipong mei halong dep feeling iyong ngiti na nasa labi mo.

Gaano kahalaga ang kaibigan? Magbibigay ako ng mga halimbawa. Tatawa ka ba kay spongebob kung hindi niya kasama sa Patrick? Sisikat ba si Batman kung wala si Robin? Matatalo ba ng Teen Titans si Slade kung hindi sila united? Makakapasok ba ang Shohoku sa Inter-High kung hindi sila magkakaibigan na nagtitiwala sa isa't-isa? At higit sa lahat, masaya ba ang break, lunch break, coffee break at CR break at kadalasa'y umaabot sa cutting classes kung mag-isa ka lang? Hindi diba?

May mga tinuturing pa rin akong kaibigan kahit hindi ko alam kung naaalala pa nila ako. May mga tinuturing din akong kaibigan kahit na hindi nila ako tinuturing na kaibigan. may mga tinuturing ako na kabigan kahit hindi nila ako kilala(metaphor yan).

Aun. Isa na namang walang kwentang post mula sa isang walang kwentang tao na walang magawa sa buhay. Sana na-enjoy niyo kahit paano ang mga random thoughts na pumasok sa isip ko.

Backstory pala muna bago ko tapusin ito. Bago ko itype to, kalahating oras bago ko mapasok iyong account ko. Kasi naman e, pinipilit ko pa rin iyung password ko na six characters lang e db eight characters dapat ang password sa blogger? Isa iyan sa signs of aging. Naexperience ko iyan nung nag-fifteen years old ako...hahahahaha...

aun..e2 na tapus na talaga. This is the resident ungas, signing off!!!! mehehe....

0 comments: